UNDP, inilabas ang Human Development Report 2016

2017-03-22 11:54:29 CRI CRI

Ipinalabas kahapon, Martes, ika-21 ng Marso 2017, sa Stockholm, Sweden, ng United Nations Development Programme (UNDP), ang Human Development Report 2016.

Ayon sa ulat, nitong 25 taong nakalipas, maraming bunga ang natamo sa aspekto ng pag-unlad ng sangkatauhan, pero hindi pa rin kasama ang maraming tao sa mga usaping may priyoridad ng kaunlarang pandaigdig. Dagdag ng ulat, ayon sa Human Development Index, sangkatlo ng mga tao sa buong daigdig ay namumuhay pa rin sa mababang lebel ng pag-unlad ng sangkatauhan.

Kaugnay nito, sinabi nang araw ring iyon ni Helen Clark, Puno ng UNDP, na dapat alisin ang mga normang panlipunan at batas na may pagkiling, upang lubos na pawiin ang kahirapan, at isakatuparan ang mapayapa at makatarungang sustenableng pag-unlad para sa lahat ng mga tao.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino