NoKor, naglunsad ng missile — SoKor

2017-04-05 15:03:09

Ayon sa panig militar ng Timog Korea, naglunsad ngayong umaga, Abril 5, 2017, ang Hilagang Korea ng isang projectile sa silangang karagatan ng Korean Peninsula. Posible anitong ito'y isang ballistic missile.

Pinakawalan ang nasabing projectile mula sa Sinpo sa South Hamgyong-do Province.

Ayon sa ulat, lumipad hanggang 60 kilometro ang projectile bago bumagsak sa karagatan.

Idinaos nang araw ring iyon ng Timog Korea ang pangkagipitang pulong upang talakayin ang katugong hakbang.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino