“Belt and Road” Initiative, may mahalagang katuturan—Presidente ng WB

2017-04-21 16:33:15 CRI

Huwebes, Abril 20, 2017, ipinahayag ni Jim Yong, Presidente ng World Bank (WB), na ang "Belt and Road" Initiative na inilunsad ng Tsina ay may mahalagang katuturan, kapuwa sa pamahalaang Tsino at World Bank.

Aniya, ang nasabing initiative ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa isyung pangkaunlaran ng buong mundo. Ipinalalagay niyang walang katulad sa kasaysayan ang pagpapatingkad ng Tsina ng namumunong papel sa naturang usapin.

Sinabi ni Jim Yong na nananatiling mahigpit ang relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng WB at pamahalaang Tsino at Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at ibayo pang lalalim ang ganitong relasyong pangkooperasyon sa hinaharap.

Dadalo siya sa Belt and Road Forum for International Cooperation na gaganapin sa Beijing sa kalagitnaan ng Mayo.

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino