SCO Foreign Ministers Meeting, idinaos sa Astana

2017-04-22 15:01:43

Mula nitong Huwebes hanggang Biyernes, idinaos sa Astana, Kazakhstan, ang Shanghai Cooperation Organization (SCO) Foreign Ministers Meeting. Dumalo rito ang mga ministrong panlabas mula sa mga kasaping bansa ng organisasyong ito. Pinanguluhan ang pulong ng ministriong panlabas ng Kazakhstan.

Sa pulong, tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa kasalukuyang kalagayan at problema sa pag-unlad ng SCO sapul nang ganapin sa Tashkent, Uzbekistan ang Pulong ng mga Presidente ng mga Kasapi ng SCO mula ika-23 hanggang ika-24 ng Hunyo, 2016, at ang Pulong ng mga Punong Ministro ng mga Kasapi ng SCO mula ika-2 hanggang ika-3 ng Nobyembre, 2016 sa Bishkek, Kyrgzstan.

Upang maplantsa ang mga detalye sa gaganaping Pulong ng mga Presidente ng mga Kasapi ng SCO mula ika-8 hanggang ika-9 ng Hunyo, 2017 sa Astana, pinagtibay ng mga kalahok ang panukalang "Deklarasyon ng Astana ng mga Presidente ng mga Kasapi ng SCO," at "Komunike ng Pulong ng mga Presidente ng mga Kasapi ng SCO." Ipinakita ng mga ito ang pundamental na paninindigan at tungkulin ng organisasyong ito sa susunod na yugto.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino