Kooperasyon ng UN at Amerika, pinag-usapan nina Antonio Guterres at Donald Trump

2017-04-22 15:04:49

Sinabi nitong Biyernes, Abril 21, 2017, ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na pinag-usapan nang araw ring iyon sa White House nina Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres at Pangulong Donald Trump, ang tungkol sa kooperasyon sa pagitan ng UN at Amerika. Makaraang manungkulan si Antonio Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN noong unang araw ng Enero, 2017, ito ang unang pagtatagpo nina Guterres at Trump.

Ayon kay Dujarric, nagkaroon ang dalawang lider ng "konstruktibong talakayan" hinggil sa kooperasyon ng dalawang panig. Tumagal aniya ang pagkikita ng 15 hanggang 20 minuto.

Magugunitang ang Amerika ay kasalukuyang bansang tagapangulo ng UN Security Council (UNSC). Ayon sa ulat, pupunta sa Washington ang mga kinatawan ng iba't-ibang miyembro ng UNSC upang makipagdiyalogo kay Trump.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino