Wang Yi, dumalo sa Ancient Civilizations Forum sa Athens

2017-04-25 16:24:09 CRI

Wang Yi, dumalo sa Ancient Civilizations Forum sa Athens

Athens, Abril 24, 2017—Dumalo si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa unang Pulong ng mga Ministro ng Ancient Civilizations Forum (ACF) sa Athens, Greece, at bumigkas ng talumpati.

Ipinahayag ni Wang ang kaniyang mungkahi na gamitin ang pagkakataon ng porum para mapasulong ang pagpapalitan ng iba't ibang kabihasnan, at magkakasamang magsikap para sa paglikha ng "community of shared future for mankind." Aniya, sa Mayo, idaraos ang Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) sa Beijing, at ang porum na ito ay magpapalabas ng signal na nakahanda ang Tsina na makipagkooperasyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.

Sa kaniyang talumpati, ipinahayag ni Prokopis Pavlopoulos, Pangulo ng Greece na ang ACF ay itinaguyod ng Greece, kasama ng Tsina, at ang iba pang mga kalahok ay mula sa Bolivia, Egypt, India, Iran, Iraq, Italy, Mexico at Peru. Ilalabas ang Deklarasyon ng Athens pagkatapos ng 2 araw na porum.

salin:Lele

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino