Di-kukulangin sa 352 sibilyan, nasawi sa operasyong militar ng Amerika laban sa Islamic State

2017-05-01 16:39:22 CRI CRI

Sinabi kahapon, Linggo, ika-30 ng Abril 2017, ng Pentagon, na di-kukulangin sa 352 sibilyan ang nasawi sa operasyong militar laban sa Islamic State, na pinamumunuan ng Amerika.

Ayon sa ulat ng Pentagon, sapul nang simulan ang naturang operasyong militar noong Agosto 2014, hanggang noong Marso ng taong ito, mahigit 20 libong air raid ang nailunsad sa Iraq at Syria, at ikinamatay ito ng di-kukulangin sa 352 sibilyan.

Ayon pa rin sa ulat, sa kasalukuyan, ginagawa ang imbestigasyon sa 42 pang air raid na posibleng magdulot ng pagkamatay ng mga sibilyan. Isa sa mga ito ay naganap noong ika-17 ng Marso ng taong ito sa Mosul, Iraq. Ayon sa mga saksi at pandaigdigang organisasyong makatao, halos 200 sibilyan ang posibleng napatay sa naturang air raid.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino