Bagong sangsyon laban sa NoKor, pinagtibay ng Amerika

2017-05-05 11:11:52

Sa pamamagitan ng 419 na pagsang-ayon at 1 pagtutol, pinagtibay nitong Huwebes, Mayo 4, 2017, ng Mababang Kapulungan ng Estados Unidos ang panukalang bagong sangsyon laban sa Hilagang Korea. Isusumite ang panukalang ito sa Mataas na Kapulungan upang suriin.

Ipagbabawal ng panukala ang paglalayag ng North Korean ships sa karagatang Amerikano at pagdaong nito sa mga puwerto ng bansa. Bukod dito, di-puwedeng pumasok sa American market ang anumang panindang pinoprodyus ng mga "napilitang manggagawa" ng Hilagang Korea.

Minsa'y ipinahayag ng panig Amerikano na bukas ang atityud nito sa pagsasakatuparan ng target ng walang-nuklear na Korean Peninsula sa pamamagitan ng talastasan, ngunit handa rin ito sa pagtatanggol ng sarili at mga kaalyado.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino