Reporma sa UN, isusulong — Antonio Guterres

2017-05-06 15:10:31

Sinabi nitong Biyernes, Mayo 5, 2017, ni Stéphane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ipinadala na ni Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ang liham sa iba't-ibang kasaping bansa tungkol sa progreso ng isinasagawang reporma sa UN. Ipinahayag niya na patuloy na isusulong ang repormang ito sa mga aspektong gaya ng development system, at peace-keeping operations.

Ayon kay Dujarric, nagkaroon na ang iba't-ibang bansa ng ilang global agreement sa mga aspektong kinabibilangan ng sustenableng pag-unlad, pagbabago ng klima, pangmatagalang kapayapaan, at iba pa. Ipinahayag ni Guterres na ang layon ng pagpapasulong ng reporma ay mabisang patingkarin ng UN ang papel at maisakatuparan ng mga kasaping bansa nito ang kani-kanilang hangarin.

Makaraang manungkulan si Guterres bilang Pangkalahatang Kalihim ng UN noong unang araw ng kasalukuyang taon, lagi siyang nagpupunyagi sa pagpapasulong ng iba't-ibang reporma sa UN.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino