NATO, nagsisikap na panumbalikin ang partnership sa Rusya: Ministrong Panlabas na Ruso

2017-05-08 16:28:33 CRI CRI

Ipinahayag araw ng Linggo, Mayo 7, 2017, ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya na kasalukuyang nagsisikap ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) para mapanumbalik ang pakikipagpartner sa Rusya, at nakahanda aniya ang panig Ruso na panumbalikin ang partnership sa NATO.

Ito ang inilahad ni Lavrov sa preskon kasama ng kanyang counterpart na Aleman na si Frank-Walter Steinmeier. Nauna rito, nagbigay-galang ang dalawang ministro sa puntod ng mga sundalong Ruso at Aleman sa Volgograd, Rusya. Ang Volgograd na dating kilala bilang Stalingrad ay siyudad na pinangyarihan ng pinakamadugong labanan noong World War II.

Ipinahayag din ni Lavrov na natanggap na ng Rusya ang impormasyon mula sa NATO upang panumbalikin ang direct phone line sa pagitan ng NATO at Rusya. Ipinahayag naman ni Steinmeier ang kahalagahan ng pagpapanumbalik ng nasabing phone line.

Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino