Pinakahuling Global Peace Index, ipinalabas

2017-06-05 13:10:34 CRI CRI

Ipinalabas kamakailan ng Institute for Economics and Peace, isang global think tank na nakabase sa Sydney, Australia, ang pinakahuling Global Peace Index (GPI), bilang pagtasa sa kalagayan ng kapayapaan ng daigdig noong 2016.

Ayon sa listahan, nasa unang sampung puwesto ang Iceland, New Zealand, Portugal, Austria, Denmark, Czech, Slovenia, Canada, Switzerland, at Ireland at Hapon na tabla sa ika-10 puwesto.

Sa rehiyon ng Asya-Pasipiko, ang unang limang pinakamapayapang bansa ay New Zealand na nasa ika-2 puwesto, Hapon na nasa ika-10, Australya na nasa ika-12, Singapore na nasa ika-21, at Malaysia na nasa ika-29.

Ang Pilipinas ay nasa ika-138 na puwesto sa naturang listahang binubuo ng 163 bansa at rehiyon. Ang posisyon nito ay mas mataas nang 1 kumpara sa nagdaang indeks. Ang Tsina naman ay nasa ika-116.

Ayon pa rin sa Institute for Economics and Peace, sa pangkalahatan, naging mas mapayapa ang daigdig noong 2016. Pero, umiiral pa rin ang mga grabeng banta, na dulot ng mga sagupaan sa Gitnang Silangan, kaligaligang pampulitika sa Amerika, terorismo sa Europa, at iba pa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino