Komunidad ng daigdig, magkasamang pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng dagat

2017-06-10 14:16:19 CRI

Sa katatapos na pulong pandagat ng United Nations (UN), ipinangako ng mga kalahok na bansa na pangalagaan ang dagat at pasulungin ang sustenableng pag-unlad nito.

Ipinahayag din ng mga kalahok na bansa na isasagawa ang mga pangkagipitang hakbangin para mapigilan at mabawasan ang polusyon sa dagat at pahigpitin ang pangangasiwa sa industriya ng pangingisda.

Sinabi ni Peter Thomson, Tagapangulo ng Ika-71 Pangkalahatang Asemblea ng UN, na ang nasabing pulong ay starting point para muling itatag ang balanseng relasyon sa pagitan ng dagat at buong sangkatauhan.

Dumalo sa pulong na ito ang mga opisyal ng iba't ibang bansa, mga kinatawan ng pandaigdigang organisasyon, samahang pansibilyan, bahay-kalakal at akademikong sektor.

Sa isang dokumento na inilabas pagkatapos ng pulong, itinakda ng mga bansa ang 14 na aktuwal na target para pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng dagat.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino