Positibong epekto sa medyasyon ng Kuwait sa pagkakaputol ng relasyon ng Qatar at ibang bansa, nakita

2017-06-12 11:42:30 CRI CRI

Sinabi kahapon, Linggo, ika-11 ng Hunyo 2017, ni Ministrong Panlabas Sabah Al-Khalid Al-Sabah ng Kuwait, na sa pamamagitan ng medyasyon ng kanyang bansa, ipinahayag ng Qatar ang kahandaang isaalang-alang ang pagkabahala ng mga ibang bansa, at lutasin ang kaligaligan sa pagkakaputol ng relasyon, sa pamamagitan ng diyalogo.

Kamakailan, ipinatalastas ng ilang bansang kinabibilangan ng Bahrain, Ehipto, Saudi Arabia, United Arab Emirates, at iba pa, ang pagputol ng relasyong diplomatiko sa Qatar, dahil sa pagkatig ng Qatar sa mga terorisitikong aktibidad. Pagkaraan nito, sinimulan ng Kuwait ang medyasyon para lutasin ang naturang kaligaligan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino