Bangkay ng ilang marinong Amerikano, narekober pagkaraan ng aksidente ng banggaan

2017-06-18 16:42:36 CRI CRI

Ayon sa pahayag ng hukbong pandagat ng Amerika, narekober na ang bangkay ng ilang marino ng USS Fitzgerald, pagkaraan ng banggaan ng barkong ito at isang container ship na may pambansang watawat ng Pilipinas, na naganap kahapon, Sabado, ika-17 ng Hunyo 2017, sa karagatang malapit sa Hapon.

Ayon sa pahayag, ang naturang mga bangkay ay narekober sa nasirang bahagi ng barkong Amerikano. Pero, hindi nito isiniwalat ang konkretong bilang ng mga narekober na bangkay. Nauna rito, sinabi ng panig militar ng Amerika, na 7 marino ang nawawala sa naturang aksidente.

Hanggang sa kasalukuyan, walang naiulat na kasuwalti sa barko ng Pilipinas. Sinisiyasat naman ng panig Hapones at Amerikano ang sanhi ng aksidente.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino