Pag-uusap ng mga pangalawang ministrong panlabas ng Rusya at Amerika, ipagpapaliban

2017-06-23 11:06:16 CRI

Nakipag-usap Hunyo 22, 2017 sa telepono si Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya sa kanyang American counterpart na si Rex Tillerson. Ipinahayag ni Lavrov na ibayong naaapektuhan ang relasyong Ruso-Amerikano dahil sa pinalawak na sangsyon ng Amerika sa Rusya, kaya, ipagpapaliban ng kanyang bansa ang pag-uusap ng mga pangalawang ministrong panlabas ng dalawang panig, na nakatakdang idaos sa ika-23 ng buwang ito.

Ani Lavrov, nauna rito, iniharap na ng Rusya ang mungkahi hinggil sa pagsasakatuparan ng normalisasyon ng bilateral na relasyon ng dalawang panig. Aniya, wala pang reaksyon mula sa panig Amerikano.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino