EU, pahihigpitin ang mga katugong hakbangin sa mga refugees

2017-06-24 14:06:24 CRI

Sa pahayag na inilabas Biyernes, Hunyo 23, 2017 sa Brussels ng Summit ng Unyong Europeo (EU), inulit ng EU na dapat isagawa ang reporma sa kasalukuyang ipinatutupad na Common European Asylum System (CEAS) para harapin ang lumalalang isyu ng mga refugees.

Ayon sa nasabing pahayag, ang reporma sa CEAS ay naglalayong mabisang kontrolin ang hanggahan ng EU at komprehensibong isakatuparan ang kasunduan sa pagitan ng EU at Turkey para mapigilan ang pagpasok ng mga iligal na mamamayan sa EU.

Para rito, pahihigpitin ng mga kasaping bansa ng EU ang mga aktuwal na kooperasyon sa pagitan ng isa't isa, patuloy na sasanayin at susuportahan ng EU ang coast guard ng Libya para bigyang-dagok ang network ng human smuggling at pahihigpitin ng EU ang mga kooperasyon sa mga bansang pinagmumulan ng mga refugees.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino