Pag-uunawaan ng Tsina at Singapore sa mga nukleong interes, hinimok ni Pangulong Xi

2017-07-07 11:31:32 CRI CRI

Hamburg, Alemanya—Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Hulyo 6, 2017, kay Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na kailangang pasulungin ng dalawang bansa ang kanilang relasyon batay sa estratehikong pananaw. Nanawagan din siyang panatilihin ng dalawang bansa ang pag-uunawaan at suporta sa isa't isa hinggil sa mga nukleong interes at mga isyung mahalaga sa bawat panig.

Kapuwa sila kalahok sa Ika-12 Group of 20 (G20) Summit na nakatakdang buksan ngayong araw.

Hiniling din ni Pangulong Xi na paginhawahin ang mga pangunahing proyekto sa pagitan ng dalawang pamahalaan, at palawakin ang kooperasyon sa mga larangan ng bagong teknolohiya na gaya ng Internet at information communication.

Ipinahayag naman ni Lee ang kahalahagan sa pakikipagtulungan ng Singapore sa Tsina sa ilalim ng kasalukuyang komplikadong kalagayang pandaigdig. Ipinahayag din ni Lee ang patuloy na suporta at pakikilahok ng kanyang bansa sa magkakasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative. Nakahanda rin aniya ang Singapore na palawakin ang mga proyektong pampamahalan, at pagtutulungan sa pinansya, high-speed railways at malayang kalakalan.

Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino