Pangulong Amerikano at Ruso, nag-usap

2017-07-08 16:13:59 CRI

Sa isang closed-door meeting na idinaos sa Hamburg, Alemanya, Hulyo 7, 2017, nina Pangulong Donald Trump ng Amerika at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, tinalakay ng dalawang lider ang mga isyung gaya ng kalagayan ng Syria, Ukraine, at cyber security. Ito ang kauna-unahang pagtatagpo nina Trump at Putin sapul nang maupo ang una sa puwesto.

Pagkatapos ng pagtatagpo, sinabi ng mga opisyal ng dalawang panig na nagkaroon ang Amerika, Rusya, at Jordan ng isang kasunduan tungkol sa pagtigil-putukan sa dakong timog silangan ng Syria.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino