2020 G20 Summit, idaraos sa Saudi Arabia

2017-07-10 11:25:09 CRI

Sa Hamburg, Alemanya--Sa kapipinid na Group of 20 (G20) Summit, ipinatalastas ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na ang Saudi Arabia ang magiging punong-abala para sa 2020 G20 Summit. Sa taong 2018 at 2019 naman, idaraos ang G20 Summit sa Argentina at Hapon, ayon sa pagkakasunod.

Sa pamamagitan ng buong-sikap na pakikipagtulungan sa ibang kasapi ng Summit, kompiyansa naman si Ibrahim Abdulaziz al-Assaf, State Minister ng Saudi Arabia sa kakayahan ng kanyang bansa sa matagumpay na pagtataguyod ng G20 Summit.

Salin: Jade
Pulido: Rhio


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino