Pangulong Palestinian, dadalaw sa Tsina: bilateral na relasyon, ibayong palalalimin

2017-07-17 15:35:16 CRI

Ramallah, Kanlurang Pampang ng Ilog Jordan-Ipinahayag Hulyo 16, 2017 ni Ministrong Panlabas Riyad Al Malki ng Palestina na dadalaw sa Tsina si Pangulong Mahmoud Abbas ng bansa, mula ika-17 hanggang ika-20 ng buwang ito.

Sinabi ni Malki na nitong ilang taong nakalipas, walang tigil na umuunlad ang relasyong Sino-Palestinian. Aniya, ang kasalukuyang pagdalaw ng Pangulong Palestinian sa Tsina ay ibayong magpapasulong sa pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, at iba pa.

Ipinahayag din ni Malki ang pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng Tsina sa pag-unlad ng Palestina sa ibat-ibang larangan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino