Ethiopia, umaasang hihigpit ang kooperasyon sa Tsina sa larangan ng abiyasyon

2017-07-23 15:03:07 CRI

Ipinahayag ngayong araw, Hulyo 23, 2017 ni Ahmad Shid, Ministro ng Transportasyon ng Ethiopia, na para maging sandigan ng abiyasyon ng Aprika, umaasa ang kanyang bansa na hihigpit ang kooperasyon sa Tsina sa larangan ng abiyasyon.

Sinabi rin niyang ang kooperasyon ng dalawang bansa sa abiyasyon ay magiging mahalagang pundasyon ng komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa.

Nais aniya ng kanyang bansa na makibiling mas maraming eroplanong yari ng Tsina sa hinaharap.

Ayon sa kanya, binabalak ng Ethiopia na ilaan ang 3 bilyong US Dollars para itayo ang isang bagong pandaigdigang paliparan na makakatugon sa kahilingan ng pagpasok-labas ng 100 milyong person-time bawat taon. Umaasa aniya siyang isasagawa ng dalawang bansa ang kooperasyon sa nasabing proyekto.

Sa kasalukuyan, ang proyekto ng pagpapalawak ng Addis Ababa Bole International Airport ng Ehiopia ay isinasagawa ng isang bahay-kalakal ng Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino