Pagsabog sa Kabul, Afghanistan, ikinamatay ng 24 katao

2017-07-24 16:53:25 CRI

Ayon sa Ministri ng Suliraning Panloob ng Afghanistan, naganap kaninang umaga, Lunes, ika-24 ng Hulyo 2017, sa Kabul, kabisera ng bansang ito, ang car bombing, na ikinamatay na ng 24 na katao, at ikinasugat ng 42 iba pa. Ang lahat ng kasuwalti ay mga sibilyan.

Pagsabog sa Kabul, Afghanistan, ikinamatay ng 24 katao

Ayon naman sa local media, ang lugar na pinangyarihan ng naturang pagsabog ay malapit sa tahanan ni Mohammad Mohaqiq, Deputy Chief Executive Officer ng Afghanistan. Pero, wala pang ulat kung nasa bahay si Mohaqiq, sa panahon ng pagsabog.

Pagsabog sa Kabul, Afghanistan, ikinamatay ng 24 katao

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal ang umaako ng responsibilidad sa insidenteng ito.

Salin: Liu Kai

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino