Tsina, iniharap ang 4 na mungkahi hinggil sa reporma sa UN

2017-07-30 13:17:43 CRI

Kaugnay ng repoma sa UN, iniharap Miyerkules, Hulyo 28, 2017 ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng UN Security Council (UNSC), ang apat na mungkahi hinggil dito.

Binigyang-diin ni Liu na ang reporma ay dapat makabuti sa nukleong papel ng UN sa pangangasiwa sa mga isyung pandaigdig at magpakita ng komong hangarin ng mga kasaping bansa nito.

Ang nasabing apat na mungkahi ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Una, Dapat pahigpitin ang multilateralism at patatagin ang relasyong pandaigdig na kooperatibo at may mutuwal na kapakianbangan.

Ikalawa, ang mga gawain ng UN ay dapat sumunod sa prinsipyo ng kapayapaan at kaunlaran.

Ikatlo, dapat isaayos ang estruktura ng mga organo para pataasin ang episiyensiya ng gawain.

Ikaapat, sa proseso ng reporma, dapat igiit ang prinsipyong bukas, at transparent, para makatugon sa komong kapakanan ng lahat ng mga kasaping bansa.

Sinabi ni Liu na kinakatigan ng Tsina ang pagsisikap ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa reporma para pabutihin ang mga gawain nito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino