Ika-6 na Kubuqi International Desert Forum, idinaos sa Tsina

2017-07-30 16:28:32

Binuksan Sabado, Hulyo 29, 2017 sa Ordos, Inner Monggolia ng Tsina, ang ika-6 na Kubuqi International Desert Forum. Dumalo sa porum na ito ang mahigit 300 opisyal at dalubhasa ng iba't ibang bansa ng buong daigdig para talakayin ang kooperasyon sa pagpigil at paglapat-lunas sa disyerto, inobasyon sa teknolohiyang biolohikal at green finance.

Sa kasalukuyan, mahigit 36 milyong kilometro kuwadradong lupa sa buong daigdig ang sumasailalim sa desertification na nakakaapekto sa mahigit 110 bansa. Ang bilang ito ay katumbas ng isa't ikaapat ng lupa ng buong daigdig.

Ipinahayag ni Antonis Samaras, dating Punong Ministro ng Greece na sa pagharap sa isyu ng disyerto, dapat isagawa ng mga bansa ang pangmatagalang plano at mas aktibong hakbangin.

Kaugnay ng paglapat-lunas ng Tsina sa disyerto, sinabi ni Wan Gang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na ang pagpapasulong ng inobasyon sa mga larangang gaya ng saligang pananaliksik, mga masusing teknolohiya at mga industriya ay nakakatulong sa pagpigil at pagkontrol sa pagiging disyerto ng mga lupa.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino