Lin Yifu: dapat pahigpitin ng Tsina at mga bansang Aprikano ang kooperasyon sa industriya

2017-07-30 16:34:18

Sinabi Sabado, Hulyo 29, 2017 sa Dares Salaam, Tanzania ni Lin Yifu, dating Punong Ekonomista ng World Bank (WB) at Propesor ng Peking University ng Tsina, na dapat pahigpitin ng Tsina at mga bansang Aprikano ang kooperasyon sa industriya para pabilisin ang pagbabago ng estukturang pangkabuhayan at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan.

Sinabi ni Lin na dapat pasulungin ng mga bansang Aprikano ang sariling bantahe sa kooperasyon sa Tsina. Dagdag pa niya, may mga matagumpay na karanasan ang dalawang panig sa larangang ito: halimbawa, ang pamumuhunan ng bahay-kalakal ng Tsina sa Ethiopia ay nagkaloob ng ilang libong pagkakataon sa trabaho.

Ipinahayag ni Lin na ang kooperasyon ng Tsina at Aprika ay magdudulot ng magandang pagkakataon para sa konstruksyon ng imprastruktura sa mga bansang Aprikano at pag-unlad ng kabuhayan ng mga bansang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino