Rusya sa Amerika at H.Korea: magbigayan para iwasan ang sagupaan

2017-08-12 16:22:31 CRI CRI

Nanawagan kahapon, Biyernes, ika-11 ng Agosto 2017, si Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya sa Amerika at Hilagang Korea, na magbigayan para iwasan ang sagupaan.

Sinabi ni Lavrov, na kapwa naglabas kamakailan ang Amerika at H.Korea ng mga matigas na pananalita, at nagdulot ito ng pagkabalisa ng ibang panig sa kalagayan sa Korean Peninsula.

Dagdag ni Lavrov, ang kasalukuyang tensyon sa Korean Peninsula ay hindi dapat maging grabeng sagupaang magdulot ng malaking kasuwalti. Nanawagan siya sa Amerika, na itigil ang mga pagsasanay militar sa Korean Peninsula, at sa H.Korea naman, na itigil ang pagdedebelop ng sandatang nuklear.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino