2 tren, nagbanggaan sa Ehipto; 49, nasawi

2017-08-12 17:18:42 CRI CRI

Sinabi kahapon, Biyernes, ika-11 ng Agosto 2017, ng Ministri ng Kalusugan ng Ehipto, na 49 na katao ang nasawi, at mahigit 100 iba pa ang nasugatan, sa banggaan ng dalawang tren, na naganap nang araw ring iyon sa Lalawigang Alexandria sa hilagang bahagi ng bansang ito.

Ayon pa rin sa naturang ministri, 75 ambulansiya ang ipinadala sa lugar na pinangyarihan ng aksidente, at isinugod ang mga nasugatan sa mga ospital sa lokalidad at malapit na lalawigan. Posible anitong lumaki pa ang bilang ng mga nasawi, dahil nasa kritikal na kalagayan ang maraming nasugatan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino