Mahigit 17,000 taga-Texas na apektado ng bagyong Harvey, pansamantalang nanunuluyan sa mga shelter

2017-08-31 14:21:56 CRI CRI

Texas, Estados Unidos—Ayon sa pagtaya ng Red Cross ng Amerika, bunsod ng bagyong Harvey, pinakamalakas na bagyo nitong 50 taong nakalipas, mahigit 17,000 taga-Texas ang pansamantalang nanunuluyan sa 45 shelter sa iba't ibang lugar ng estado. Kabilang dito ay 9,000 mamamayang lokal na naninirahan sa George Brown Convention Center, Houston, Texas, isa sa mga shelter.

Mga apektadong mamamayang lokal habang nagpapahinga sa George Brown Convention Center, Houston, Texas. Larawang kinunan Aug. 30, 2017 (Xinhua/Song Qiong).

Isang boluntaryo (sa kanan) habang namamahagi ng mga kagamitan sa George Brown Convention Center, Houston, Texas. Larawang kinunan Aug. 30, 2017 (Xinhua/Song Qiong).

Mga boluntaryo habang nagsasaayos ng mga kagamitang-abuloy sa George Brown Convention Center, Houston, Texas. Larawang kinunan Aug. 30, 2017 (Xinhua/Song Qiong).

Mga miyembro ng Red Cross habang nagbibigay-tulong sa pagpapatala sa George Brown Convention Center, Houston, Texas. Larawang kinunan Aug. 30, 2017 (Xinhua/Song Qiong).

Mga taong pumipila para sa pagkain sa George Brown Convention Center, Houston, Texas. Larawang kinunan Aug. 30, 2017 (Xinhua/Song Qiong).

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino