Rusya, nanawagan sa Red Cross na ipagkaloob ang mas maraming tulong sa Syria

2017-09-09 16:31:21 CRI

Nanawagan Biyernes, Setyembre 8, 2017 ang Rusya sa Red Cross na dagdagan ng makataong tulong ang Syria.

Nang araw ring iyon, inabot sa International Committee of the Red Cross ng Ministri ng Tanggulan ng Rusya ang listahan ng mga kinakailangang tulong ng Syria.

Ipinahayag ng panig Ruso na sinalanta ng mga teroristikong tauhan ang mga pabahay, paaralan, pabrika at ospital sa Syria. Dagdag pa nito, ang nasabing mga makataong tulong sa Syria ay makakatulong sa pagpapanubalik sa katatagan at kapayapaan ng bansang ito at pag-uwi ng mga Syrian refugee sa kanilang inangbayan.

Ayon sa datos ng United Nations (UN), mahigit 300,000 katao ang nasawi sa mga sagupaan sa Syria noong 6 na taong nakaraan at kinakailangan ng 13.5 milyong tao ang makataong tulong.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino