Pasuguan ng Tsina sa Panama, binuksan na

2017-09-18 17:45:36 CRI

Panama City, kabisera ng Republika ng Panama-Idinaos dito Linggo, Setyembre 17, 2017 ang seremonya ng paghahawi ng tabing ng Pasuguan ng Tsina sa Panama. Sa ngalan ng dalawang bansa, magkasamang lumahok sa nasabing seremonya sina Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama at dumadalaw na Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

Sina Pangulong Juan Carlos Varela (kaliwa) ng Panama at Ministrong Panlabas Wang Yi (kanan) ng Tsina sa seremonya ng paghahawi ng tabing ng Pasuguan ng Tsina sa Panama (photo credit: Xinhua)

Sina Pangulong Juan Carlos Varela (kaliwa) ng Panama at Ministrong Panlabas Wang Yi (kanan) ng Tsina sa seremonya ng paghahawi ng tabing ng Pasuguan ng Tsina sa Panama (photo credit: Xinhua)

Noong Hunyo 13, 2017, pormal na itinatag ng Tsina at Panama ang relasyong diplomatiko.

Ipinahayag ni Pangulong Varela ang kanyang kasiyahan at tiwala sa optimistikong prospek ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Panama. Naniniwala aniya siyang magdudulot ito ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Wang ang kahandaan ng Tsina na magsikap, kasama ng panig ng Panama para maisakatuparan ang komong kasaganaan.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino