Wang Yi, nangulo sa di-pormal na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng CICA

2017-09-21 17:39:10 CRI

Punong Himpilan ng United Nations (UN), New York—Miyerkules, ika-20 ng Setyembre, 2017, nangulo dito si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa di-pormal na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA). Kalahok dito ang mga ministrong panlabas o kinatawan mula sa mahigit 20 bansa.

Ipinahayag ni Wang na ang kooperasyon ng CICA ay angkop sa komong hangarin ng kooperasyon at win-win situation ng mga bansa sa rehiyon. Sapul nang manungkulan ang Tsina bilang tagapangulong bansa ng CICA, malawakang kinikilala ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng ideolohiyang panseguridad ng Asya. Maayos na sumusulong aniya ang kooperasyon ng mga kasaping bansa sa hakbangin ng pagtitiwalaan, walang humpay na lumalawak ang partnership network, at matibay na matibay ang mithiin ng mga mamamayan sa kooperasyon ng CICA.

Wang Yi, nangulo sa di-pormal na pagtatagpo ng mga ministrong panlabas ng CICA

Aniya, sa hinaharap, dapat gawing patnubay ang ideolohiyang panseguridad ng Asya, para pasulungin ang pagtatatag ng estruktura ng kooperasyong panseguridad ng Asya.

Sinang-ayunan ng mga kalahok ng iba't ibang bansa na patuloy na palalalimin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad, pagbibigay-dagok sa terorismo, pagpapalitang kultural at iba pa, pasusulungin ang ibayo pang pagpapataas ng impluwensiya ng CICA sa mga suliraning panrehiyon at pandagidig.

Pagkatapos ng pagtatagpo, magkakasamang inilabas ng mga kinatawan ng iba't ibang kasaping bansa ang "Pahayag ng Mga Ministrong Panlabas ng Mga Kasaping Bansa ng CICA Hinggil sa Ika-25 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng CICA."

Salin: Vera

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino