Sudan, umaasang aalisin ng Amerika ang sangsyon sa Oktubre, 2017

2017-10-02 14:55:53

Ipinahayag nitong Linggo, Oktubre 1, 2017, ng pamahalaan ng Sudan ang pag-asang aalisin ng pamahalaang Amerikano ang sangsyong pangkabuhayan nito laban sa Sudan sa ika-12 ng kasalukuyang buwan.

Sa isang pahayag na inilabas ni Attal-Mannan Bakheet, Ministrong Panlabas ng Sudan, sinabi niya na pumasok na sa pinal na yugto ang kaukulang diyalogo ng mga pamahalaan ng Sudan at Amerika. Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng diyalogong ito, aalisin ng Amerika ang sangsyon laban sa Sudan.

Noong 1993, inilagay ng pamahalaang Amerikano ang Sudan sa listahang "mga bansang kumakatig sa terorismo." Mula noong 1996, isinagawa ng Amerika ang sangsyong pangkabuhayan laban sa nasabing bansa.

Salin: Li Feng


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino