Kinatawang Tsino, nanawagan sa komunidad ng daigdig na ipauna ang pagpawi sa kahirapan

2017-10-04 15:03:16 CRI

Sinabi Martes, Oktubre 3, 2017 ni Wu Haitao, charge d'affaires ng Tsina sa United Nation (UN) na dapat ipauna ng iba't ibang bansa ang pagpawi sa kahirapan. Sinabi rin niyang dapat tulungan ng komunidad ng daigdig ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga umuunlad na bansa para rito.

Sa debatehan ng ika-72 Pangkalahatang Asembleya ng UN, sinabi ni Wu na dapat isakatuparan ng mga maunlad na bansa ang kanilang mga pangako at obligasyon para tulungan ang pag-unlad ng mga umuunlad na bansa batay sa kanilang aktuwal na kahilingan.

Kaugnay ng pandaigdigang kapaligiran sa pag-unlad, binigyang-diin ni Wu na dapat pangalagaan ng komunidad ng daigdig ang bukas na sistemang pangkalakalan at pasulungin ang konstruksyon ng globalisasyong pangkabuhayan na bukas, balanse, at may kapakinabangan. Dagdag pa niya, dapat pabilisin ang reporma ng mga pandaigdigang organisasyong pinansiyal para pataasin ang katayuan at papel ng mga umuunlad na bansa.

Bukod dito, sinabi niyang nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga kasaping bansa ng UN, para pasulungin ang sustenableng pag-unlad ng buong daigdig at isakatuparan ang kaunlaran at kasaganaan ng sangkatauhan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino