Tsina at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas

2017-10-05 15:46:15 CRI

Tsina at Amerika, pahihigpitin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas

Nagtagpo Miyerkules, Oktubre 4, 2017 sa Washington D.C. sina Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, at Jeff Sessions, Attorney General ng Amerika.

Kapwa sina Guo at Sessions ay nangulo sa First Law Enforcement and Cybersecurity Dialogue ng Tsina at Amerika.

Ipinahayag ni Guo na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Amerika, para pasulungin ang kanilang kooperasyon sa mga larangan na gaya ng imbestigasyon sa mga kaso, pagpapauwi sa mga iligal na imigrante at paglaban sa mga krimen sa Internet.

Ipinahayag naman ni Sessions na nakahanda ang Amerika na ibayo pang pahigpitin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino