Mga partido ng New Zealand, magtatalastasan hinggil sa pagbuo ng pamahalaang koalisyon

2017-10-07 16:01:17 CRI CRI

Inilabas ngayong araw, Sabado, ika-7 ng Oktubre 2017, ng Lupong Elektoral ng New Zealand, ang pinal na resulta ng bilangan sa halalan ng parliamento ng bansa.

Dahil walang partido ang nakakuha ng mahigit sa kalahati ng mga luklukan, magtatalastasan ang mga partido hinggil sa pagbuo ng pamahalaang koalisyon.

Ayon sa resulta ng bilangan, sa 120 luklukan ng parliamento ng New Zealand, nakakuha ng 56 ang naghaharing National Party, at nakakuha naman ng 46 ang Labour Party. Samantala, magkakahiwalay na nakakuha ng 9, 8, at 1 ang New Zealand First Party, Green Party, at ACT Party.

Nauna rito, pawang nagpahayag ng kahandaan ang National Party, Labour Party, at Green Party, na makipagtalastasan sa New Zealand First Party, para buuin ang pamahalaang koalisyon. Samantala, nagbuo na ng koalisyon ang Labour Party at Green Party. Kaya, ang New Zealand First Party ay naging susi sa pagbuo ng pamahalaang koalisyon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino