Mahigit 100 armadong tauhan ng IS, nilipol ng tropang Ruso sa Syria

2017-10-08 16:54:07 CRI CRI

Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-7 ng Oktubre 2017, ng Ministri ng Tanggulan ng Rusya, sa ilang operasyon nitong nakalipas na isang araw sa lalawigang Deir ez-Zor ng Syria, nilipol ng tropang Ruso ang halos 120 armadong tauhan ng Islamic State, na mula sa Tajikistan, Iraq, at North Caucasus. Pinuksa rin nila ang isang dayuhang mersenaryong binubuo ng mahigit 60 tao.

Kinumpirma rin ng nabanggit na ministri ang pagpatay sa tatlong mataas na pinuno ng Islamic State, na kinabibilangan ng isang komander na si Abu Omar al-Shishani. Napatay sila sa isang air raid na isinagawa kamakailan ng tropang Ruso sa Abu Kamal, Deir ez-Zor.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino