Kooperasyon ng D8, palalakasin upang harapin ang mga hamon

2017-10-20 15:07:22

Istanbul, Turkey - Idinaos nitong Huwebes, Oktubre 19, 2017, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Group of Eight Developing Countries (D8) kung saan tinalakay ng mga kasapi nito ang pagpapalakas ng kooperasyon sa mas maraming larangan para harapin ang mga hamong pandaigdig.

Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Ministrong Panlabas Mevlut Cavusoglu ng Turkey na kasalukuyang kinakaharap ng mga kasapi ng D8 na kinabibilangan ng Bangladesh, Ehipto, Indonesia, Iran, Malaysia, Nigeria, Pakistan, at Turkey, ang maraming hamong pandaigdig na tulad ng karalitaan, rasismo, imigrasyon, at tagtuyot. Kaya, napakahalaga ng pagpapalakas ng kooperasyon ng mga kasaping bansa, aniya.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino