Pulong na Ministeryal ng APEC: patuloy na pasulungin ang Asia-Pacific Free Trade Area

2017-11-11 18:43:19 CRI

Ipininid kamakalawa, Huwebes, ika-9 ng Nobyembre 2017, sa Da Nang, Biyetnam, ang ika-29 na Pulong na Ministeryal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ayon sa magkakasanib na pahayag ng pulong, binigyang-diin ng mga kalahok na opisyal, na dapat patuloy na pasulungin ang konstruksyon ng Asia-Pacific Free Trade Area.

Sinabi naman ni Zhang Shaogang, Puno ng International Department ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na malalimang tinalakay ng mga kalahok ang apat na pangunahing paksa, na gaya ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, inklusibong pag-unlad, inobasyon ng mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal, at food security. Aniya, sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, ipinalabas ng pulong ang signal hinggil sa pagkatig ng APEC sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at muling binigyang-halaga ang kalayaan at kaginhawahan ng kalakalan at pamumuhunan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino