FTA ng Tsina't Chile, ini-upgrade

2017-11-12 06:44:48 CRI

Da Nang, Vietnam-Nilagdaan ng Tsina at Chile ang Kasunduan hinggil sa Upgrading ng Free Trade Agreement (FTA) ng dalawang bansa.

Tumayong-saksi sa seremonya ng paglagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Michelle Bachelet ng Chile. Kapuwa sila lumahok sa Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na idinaos nitong nagdaang Biyernes at Sabado sa Vietnam.

FTA ng Tsina't Chile, ini-upgrade


Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (kanan) at Pangulong Michelle Bachelet ng Chile (kaliwa) sa seremonya ng paglagda, Sabado, Nobyembre 11, 2017. (Xinhua/Ding Lin)

Ito ang unang upgrading ng FTA sa pagitan ng Tsina at isang bansang Latin America. Nilagdaan ng dalawang bansa ang FTA noong 2015. Ang Chile ay ang kauna-unahang bansa rin ng Latin Amerika na lumagda ng FTA sa Tsina.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino