Pagsasagawa ng mas maraming praktikal na aksyon para mapabuti ang ugnayang Sino-Hapones, hiniling ni Pangulong Xi kay PM Abe

2017-11-12 06:55:58 CRI

Da Nang, Vietnam-Hiniling ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na magsagawa ng mas maraming praktikal na aksyon para mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.

Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Abe nitong nagdaang Sabado, Nobyembre 11, 2017 sa sidelines ng kanilang paglahok sa Ika-25 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting sa Vietnam. 

Pagsasagawa ng mas maraming praktikal na aksyon para mapabuti ang ugnayang Sino-Hapones, hiniling ni Pangulong Xi kay PM Abe

Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina (kanan) at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon (kaliwa)

Ipinagdiinan ni Xi na ang mutuwal na pagtitiwalaan ay ang susi sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones. Inulit din ni Xi ang kahilingan sa Hapon na maayos na hawakan ang isyu ng mapanalakay na kasaysayan nito sa mga kapitbansang Asyano, isyu ng Taiwan, at ibang mga isyung pinakamahalaga sa relasyong pulitikal ng Tsina at Hapon, batay sa apat na dokumentong pulitikal at ibang pagkakasundo na narating ng dalawang bansa.

Sinabi ni Xi na ngayong taon ay ang ika-45 anibersaryo ng normalisasyon ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Hapon at ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakalagda ng China-Japan Treaty of Peace and Friendship. Hinimok niya ang pamahalaang Hapones na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapon at magdulot ng kapakinabangan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Abe ang kahandaan na samantalahin ang nasabing mga pagkakataon para mapasulong ang estratehikong partnership na may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa. Nakahanda rin aniya ang Hapon na magsagawa, kasama ng Tsina, ng mga pragmatikong pagtutulungan hinggil sa Belt and Road Initiative (OBOR), turismo, kultura at pagpapalitan ng mga kabataan. Ang Hapon ay punong-abala ng 2020 Olympic Games at ang Tsina ay punong-abala ng 2022 Winter Olympic Games. Nais ng Hapon na makipagpalitan at makipagtulungan sa Tsina hinggil sa nasabing mga palaro, dagdag pa ni Abe.

Salin: Jade
Photo credit: Xinhua/Lan Hongguang
Pulido: Rhio

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino