Emmerson Mnangagwa, nanumpa sa tungkulin bilang bagong pangulo ng Zimbabwe

2017-11-25 15:44:05 CRI

Nanumpa sa tungkulin, kahapon, Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2017, ang bagong pangulo ng Zimbabwe na si Emmerson Mnangagwa.

Sa kanyang talumpati pagkaraan ng seremonya ng inagurasyon na idinaos sa Harare, kabisera ng Zimbabwe, ipinahayag ni Mnangagwa ang paggalang kay dating Pangulong Robert Mugabe. Magsisikap aniya ang bagong pamahalaan, para maging masagana at demokratikong bansa ang Zimbabwe, at muling pasiglahin ang pambansang kabuhayan.

Kinondena ni Mnangagwa ang mga sangsyong ipinapataw ng mga bansang kanluranin sa Zimbabwe. Nanawagan siya sa mga bansang ito na alisin ang sangsyon.

Ipinangako rin ni Mnangagwa, na igagarantiya ng bagong pamahalaan ang pagdaraos ng halalang pampanguluhan alinsunod sa nakatakdang iskedyul sa susunod na taon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino