Teroristikong pag-atake sa Ehipto, ikinamatay ng 235 katao

2017-11-25 15:44:55 CRI

 

Naganap kahapon, Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2017, ang teroristikong pag-atake sa isang moske sa lalawigang North Sinai ng Ehipto. Ikinamatay ito ng 235 katao, at ikinasugat ng 109 iba pa.

Ayon sa local media, pinasabog muna ng mga terorista ang explosive device sa labas ng moske, at pagkatapos, binaril ang mga taong lumilikas, at mga ambulansiyang nagsadya sa moske.

Pagkaraang maganap ang insidente, ipinatalastas ng panig opisyal ng Ehipto ang 3-araw na pagluluksa sa mga nabiktima. Sinabi naman ni Pangulong Abdel-Fattah al-Sisi ng Ehipto, na ilulunsad ang walang-habag na pakikibaka sa mga teroristang gumawa ng naturang pag-atake.

Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon ang umako ng responsibilidad sa insidenteng ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino