305 patay sa terror attack sa Ehipto

2017-11-26 15:18:54

Ayon sa panig opisyal ng Ehipto Sabado, Nobyembre 25, 2017, di-kukulangin sa 305 kataop ang namatay sa teroristikong pag-atake na naganap nitong Biyernes sa isang moske sa Ehipto. Samantala, 128 iba pa ang nasugatan. Ayon pa sa ulat, may watawat na "Islamic State (IS)" ang mga teroristang may-kagagawan ng nasabing pag-atake.

Ang nasabing moske ay matatagpuan, halos 40 kilometro mula layo sa lunsod Al-Arish ng lalawigang North Sinai. Maraming mamamayan ang nagdarasal nang maganap ang pag-atake.

Hanggang sa ngayon, walang anumang organisasyon ang umaako ng responsibilidad sa pag-atakeng ito.

Makaraang maganap ang pag-atake, idineklara ng panig opisyal ng Ehipto na idaraos ang tatlong araw na pakikidalamhati mula nitong Biyernes.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino