Pagtutulungang pang-enerhiya ng ASEAN, Tsina, Hapon at T. Korea sa ilalim ng OBOR, ibayo pang isusulong

2017-12-01 16:14:41 CRI

Beijing, Tsina—Ipininid Huwebes, Disyembre 30, 2017, ang dalawang-araw na Porum ng Kooperasyong Pang-enerhiya ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10 3). Ang tema ng porum ay "Magkakasamang Pagsasanggunian, Magkakasamang Pagtatatag at Komong Benepisyo: Pagpapasulong ng Pagtutulungang Pang-enerhiya at Sustenableng Pag-unlad ng Silangang Asya."

Kabilang sa mga tampok ng paksa ay tunguhin ng pag-unlad ng enerhiya ng Silangang Asya, Belt and Road Initiative (OBOR), konektibidad, pagtutulungan sa renewable energy, at koordinasyon sa mga patakarang pang-enerhiya.

Ipinalalagay ng mga kinatawan mula sa nasabing mga bansa na ang OBOR na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran ay nagpapahigpit ng pag-uugnayan at pag-asa sa isa't isa ng rehiyon. Sa ilalim ng OBOR, malulutas ang di-balanseng suplay at pangangailangan sa enerhiya sa rehiyon at malawak ang potensyal ng pagtutulungang pang-enerhiya.

Salin: Jade
Pulido: Mac

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino