Dating PM ng Hapon: dapat pumulot ng aral sa kasaysayan ng digmaan

2017-12-13 15:13:44 CRI

Sa okasyon ng ika-80 anibersaryo ng Nanjing Massacre, inilathala ngayong araw, Miyerkules, ika-13 ng Disyembre 2017, sa People's Daily, pinakamalaganap na pahayagan ng Tsina ang artikulo ni Tomiichi Murayama, dating Punong Ministro ng Hapon.

Sinabi ni Murayama, na noong 1995, bilang Punong Ministro ng Hapon, inilabas niya ang isang pahayag na tinatawag na Murayama Statement. Aniya, sa pahayag na ito, tinukoy niyang dahil sa maling patakarang pambansa, tumahak minsan ang Hapon sa landas ng digmaan, at isinagawa ang paghaharing kolonyal at pananalakay sa maraming bansa, na nagdulot ng napakalaking kapinsalaan at pasakit sa mga mamamayan ng mga bansang Asyano. Sa nasabing "Pahayag," sinabi ni Murayama, na dapat magkaroon ng malalimang pagsisisi, taos-pusong paghingi ng paumanhin, at pagluluksa para sa mga nabiktima ng iba't ibang bansa.

Sinabi pa ni Murayama, na sa kabila ng naturang "Pahayag," hindi ipinagpatuloy ng mga sumunod na tauhan ng sirkulong pulitikal ng Hapon ang diwa ng Murayama Statement, at walang humpay na gumagawa ang mga pulitikong Hapones ng maling pananalita at aksyon sa isyu ng kasaysayan. Ito aniya ay ibayo pang nakakasakit sa damdamin ng mga mamamayan ng mga bansang Asyano, at humantong sa kawalang-tiwala nila sa Hapon.

Dagdag ni Murayama, dapat tandaan ng Hapon ang mga pangyayari sa digmaang mapanalakay na gaya ng Nanjing Massacre, at kapahamakang dinulot sa mga mamamayan ng mga bansang Asyano. Dapat aniyang pulutin ang mga aral sa kasaysayan, at pasulungin ang mas mabuting relasyon sa pagitan ng Hapon at mga bansang Asyano.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino