Amerika: diplomasya, nananatiling solusyon sa isyung nuklear ng Korean Peninsula

2017-12-30 16:53:12 CRI

Sinabi kahapon, Biyernes, ika-29 ng Disyembre 2017, ni James Mattis, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, na itinuturing pa ng kanyang bansa ang diplomasya, na pangunahing solusyon sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.

Ipinahayag ni Mattis, na sa kasalukuyan, isinasagawa ng Amerika ang mga hakbanging diplomatiko at pangkabuhayan sa pandaigdig na plataporma, para lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula. Halimbawa aniya, sa susunod na buwan, idaraos ng Amerika ang isang pandaigdig na pulong hinggil sa naturang isyu.

Isiniwalat din ni Mattis, na posibleng babaguhin ang iskedyul ng taunang magkasanib na pagsasanay militar ng Amerika at Timog Korea, na may code name na Foal Eagle. Ito aniya ay dahil sa pagsasaalang-alang sa mga elemento ng pulitika at diplomasya.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino