20 armadong tauhan ng IS, pinatay ng tropang panseguridad ng Afghanistan

2018-01-07 14:00:42

Ayon sa media ng Afghanistan nitong Sabado, Enero 6, 2018, sa aksyon ng paglipol na isinagawa kamakailan ng tropang panseguridad ng bansang ito laban sa "Islamic State (IS)" sa dakong silangan ng probinsyang Laghman, di-kukulangin sa 20 armadong tauhan ang napatay.

Ayon sa panig militar ng Afghanistan, kabilang sa mga napatay na armadong tauhan, dalawa ang kumpirmadong pangunahing pinuno ng IS sa lokalidad.

Ayon pa sa ulat, nawasak din ang isang base ng IS sa naturang aksyon ng paglipol.

Salin: Li Feng

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino