Kabuhayang pandaigdig, mapapasigla-World Bank

2018-01-11 10:55:47 CRI

Ayon sa “Global Economic Prospect” na isinapubliko Enero 9, 2018 ng World Bank (WB), komprehensibong mapapasigla ang kabuhayang pandaigdig sa taong 2018.

Ipinahayag ng World Bank na tinatayang aabot sa 3.1% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa 2018, na mas malaki ng 0.2% kumapara sa pagtaya nito noong Hunyo, 2017. Dagdag pa ng WB, aabot sa 3% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong 2019.

Ipinalalagay pa nito na ang Tsina ay patuloy na magiging makina ng paglaki ng kabuhayan ng daigdig. Sinabi nitong mula 2017 hanggang 2020, ang rehiyong Silangang Asya at Pasipiko ay magiging pangunahing puwersa sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at 30% ng paglaki ay galing sa Tsina. Patuloy na nagsasagawa ang Tsina ng positibong patakaran ng pananalapi at reporma, at nananatiling mainam ang pagluluwas at pamumuhunan ng bansa, dagdag ng WB.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino