UN, nanawagan para sa Olympic Truce

2018-01-27 16:12:37 CRI

Nanawagan kahapon, Biyernes, ika-26 ng Enero 2018, si Miroslav Lajcak, Presidente ng Ika-72 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UN), sa lahat ng mga miyembro ng UN, na sundin ang Olympic Truce sa panahon ng Winter Olympics at Winter Paralympics na idaraos sa Pyeongchang, Timog Korea, sa darating na Pebrero at Marso.

Sinabi ni Lajcak, na ang Olympic Truce ay naglalayong pasulungin ang kapayapaan at harmonya sa buong daigdig. Umaasa aniya siyang, isasagawa ng lahat ng mga nagsasagupaang panig ang tunay na tigil-putukan, upang lumikha ng pagkakataon para sa mapayapang paglutas sa mga hidwaan.

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino