UN Secretary-General, kinondena ang pag-atake sa Kabul

2018-01-28 15:10:22

Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, mahigpit na kinondena nitong Sabado, Enero 27, 2018, ni United Nations (UN) Secretary-General António Guterres ang naganap na suicide bombing attack sa sentrong panlunsod ng Kabul, kabisera ng Afghanistan.

Sinabi ni Guterres na ang pag-atake na nakakatuon sa mga sibilyan ay grabeng lumalapastangan sa karapatang pantao at pandaigdigang makataong batas. Nagpahayag din siya ng lubos na pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima at kanyang pagkatig sa pamahalaan at mga mamamayang Afghani.

Sa nasabing insidente, di-kukulangin sa 95 katao ang namatay at 163 iba pa ang nasugatan. Dahil sa grabeng kalagayan ng mga sugatan, posibleng tataas pa ang bilang ng mga nasasawi. Ipinatalastas ng Taliban sa Afghanistan ang pananagutan sa atakeng ito.

Salin: Li Feng

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino